Tuesday, December 17, 2024

Php3.96M halaga ng smuggled cigarettes nasabat sa Zamboanga del Sur; 2 timbog

Zamboanga del Sur – Nasabat ang tinatayang Php3,960,000 halaga ng smuggled cigarettes sa isinagawang intel-driven operation ng mga awtoridad nito lamang Hunyo 1, 2023.

Ayon kay Police Major Marlon Manganay, Officer-In-Charge ng Dumingag Municipal Police Station, bandang 5:30 ng umaga nang magsagawa ng Checkpoint ang pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Dumingag PNP, 1st Zamboanga del Sur Provincial Mobile Force Company at  Anti-Criminality Task Group Zamboanga del Sur Police Provincial Office, na matagumpay na naharang ang isang Mitsubishi Canter na may Plate No. JAL 6143 at nagresulta sa pagkakadakip ng truckman at driver nito dahil walang maipakitang dokumento sa mga tumambad na smuggled cigarettes.

Kinilala ang dalawang suspek na sina alyas “Janisnar”, driver, 34 anyos at residente ng Brgy. Talon-Talon, Zamboanga City at alyas “Abner”, truckman, 34 anyos at residente ng Brgy.  Sta. Catalina, Zamboanga City.

Tinatayang aabot sa 131 master cases ng President Cigarettes na kulay pula at 167 reams ng President Cigarettes na kulay pula na tinatayang nagkakahalaga ng Php3,960,000.

Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 1401 (Unlawful Importation or Exportation) ng RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). 

Ang Pambansang Pulisya ay nagpapaalala sa mamamayan na huwag gumawa ng ano mang ilegal na gawain o aktibidad upang hindi humantong sa pagkakakulong.

Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,320SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles