Zamboanga del Sur – Nasabat ang tinatayang Php3,815,000 na halaga ng assorted smuggled na sigarilyo ng Zamboanga PNP nito lamang Linggo, Hulyo 3, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Franco Simborio, Regional Director Ng Police Regional Office 9, ang tatlong naarestong suspek na sina Al Fernandez Ibrahim, 35, truckdriver; Nadz Sikal Ismael, 23, may asawa at Madzmur Azari Sahipa, 19, pawang mga residente ng Purok Sunrise, Guiwan, Zamboanga City.
Ayon kay PBGen Simborio, bandang 3:00 ng madaling araw nang mahuli ang tatlong suspek ng pinagsanib na puwersa ng Dumalinao Municipal Police Station, Regional Intelligence Division 9, Regional Mobile Force Battalion 9 at Bureau of Customs.
Ayon pa kay PBGen Simborio, nasabat sa mga suspek ang 109 kahon ng assorted smuggled na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng Php3,815,000, isang yunit na Mazda Bongo Dropside kulay green na may Plate No. JAE 3312.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec. 1401 (Unlawful Importation or Exportation) ng RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ang Pambansang Pulisya ay nagpapaalala sa mamamayan na huwag gumawa ng ano mang ilegal na gawain o aktibidad upang hindi humantong sa pagkakakulong.
###
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9