Thursday, June 5, 2025

Php3.6M halaga ng marijuana bricks, narekober ng Kalinga PNP

Tinatayang Php3,600,000 halaga ng abandonadong marijuana bricks ang narekober ng mga awtoridad sa ilalim ng tulay sa FF Cruz, Purok 5, Bulanao, Tabuk City, Kalinga nito lamang Enero 15, 2024.

Ayon kay Police Colonel Freddie Lazona, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, nakatanggap ang mga awtoridad ng impormasyon hinggil sa abandonadong marijuana bricks na nakatambak sa kahabaan ng kalsada patungo sa Chico River.

Agad na nagtungo ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Division PRO Cordillera, Tabuk City Police Station, 1st Kalinga PMFC, PIT Kalinga, 1503rd Manuever Company RMFB 15, 141 Special Action Company 15, at 14 Special Action Battalion PNP Special Action Force sa nasabing lugar upang iberipika ang natanggap na impormasyon.

Tumambad sa kanila ang dalawang sako ng marijuana bricks at mga tangkay nito na nakahalo sa mga sako ng basura na naglalaman ng 30 marijuana bricks na may timbang na 30 kilos at nagkakahalaga ng Php3,600,000.

Pinaniniwalaang inabandona ng mga drug courier ang mga marijuana bricks dahil sa itinatag na police checkpoints sa probinsya.

Samantala, patuloy na hinihikayat ng Kalinga PNP ang mamamayan na ipagbigay alam sa kinauukulan ang anumang ilegal na aktibidad na nangyayari sa kanilang nasasakupan at huwag matakot na makipag-ugnayan upang ito’y agad na maaksyunan para sa tulong-tulong na pagsugpo ng ilegal na droga at sa anumang uri ng kriminalidad.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,660SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles