Quezon City (February 21, 2022) – Naaresto ang isang (1) lalaki sa pinagsamang Anti-Illegal Drug Buy-Bust Operation sa #612 Quirino Highway, Brgy. Bagbag, Quezon City bandang 10:15 PM noong Pebrero 21, 2022.
Ang operasyon ay isinagawa sa panguguna ng Philippine Drug Enforcement Agency– Quezon City (PDEA QC) at pinagsanib pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office-National Capital Region Southern District Office (PDEA RO-NCR SDO), Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office-National Capital Region Regional Special Enforcement Team (PDEA RO-NCR RSET), Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office-NCR Quezon City District Office (PDEA RO-NCR QCDO), Task Force Noah, Selective Identification Feature Armed Forces of the Philippines (SIF AFP), Regional Intelligence Division (RID) NCRPO, at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Police Station 3 – Talipapa, Quezon City Police District (QCPD).
Kinilala ang suspek na si Muslimin Mantil y Kasim, 28 taong gulang, lalaki, Pilipino, may asawa at residente ng Poblacion, Talitay, Maguindanao.
Ang nakumpiska sa suspek ay mahigit-kumulang 550 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php3,575,000, buy-bust money na binubuo ng isang tunay na Php1000 bill bukod pa sa ilang boodle money at isang (1) asul na Motorola phone.
Dinala sa PDEA-QC ang naarestong suspek at mga nakuhang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at nakabinbing pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o mas kilala sa tawag na “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Samantala, pinuri ni Police Major General Vincente Danao, Jr., Regional Director ng NCRPO ang mga nabanggit na operatiba sa kanilang pagsikap at tagumpay na pagsagawa ng buy-bust operation na humantong sa pagkaaresto sa suspek.
Gayundin, hinikayat ni PMGen Danao, Jr. ang mga kapulisan na tulung-tulong na puksain ang ilegal na kalakalan ng droga, maliit man o malaking transaksiyon na gagawin.
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos, RPCADU NCR
Galing naman saludo ako s mga alagad ng batas
Tunay n maka bayan yan ang mga pulis laging maaasahan