Tuesday, May 6, 2025

Php3.5M halaga ng shabu, nasabat sa maglive-in partner sa Iloilo City

Nasabat sa maglive-in partner ang tinatayang Php3.5 milyong halaga ng shabu sa ikinasang drug buy-bust operation ng Iloilo City Drug Enforcement Unit sa Brgy. Tanza Bonifacio, City Proper, Iloilo City, bandang alas-7:25 ng gabi, nitong ika-19 ng Disyembre 2023.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Antonio Benitez Jr., Hepe ng Iloilo City Drug Enforcement Unit ang nahuling maglive-in partner na si alyas “Kim” at “Babe”, parehong naitala bilang mga High Value Individual drug personality.

Ayon kay PLtCol Benitez Jr., isang buwan ang ginugol ng mga operatiba sa masusing pagsusuri sa galaw ng dalawang High Value Target bago ang matagumpay na operasyon.

Ayon pa kay PLtCol Benitez, narekober mula sa dalawang suspek ang 16 plastic sachet at 3 knot tied plastic sachet na parehong naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may tinatayang timbang na 520 gramo at may halagang Php3,526,000.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa pahayag naman ni PCol Joeresty Coronica, City Director ng Iloilo City Police Office, posible umanong gagamitin at ibenta ang mga naturang ilegal na droga, lalo na ngayong holiday season at sa paghahanda sa nalalapit Dinagyang Festival 2024.

Dagdag pa ng City Director, tuloy lang ang Iloilo City PNP sa mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga at sinisigurong mapapanagot ang mga taong patuloy pa rin sa ganitong ilegal na gawain.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles