Nasabat ng mga operatiba ng Kalilangan Municipal Police Station ang Php3.5 milyong halaga ng shabu sa isinagawang joint drug buy-bust operation kasama ang Bukidnon Provincial Intelligence Unit at PDEA Region 10 sa P-2, Barangay Bangbang, Kalilangan, Bukidnon bandang 9:38 ng gabi nito lamang Enero 29, 2025.
Kinilala ni Police Captain Romeo Micabalo Arcilla, Officer-In-Charge ng Kalilangan MPS, ang naarestong suspek na si alyas “Kilmyks”, isang High Value Individual, 39 anyos at residente ng P-5 Balungkot, Barangay Violeta, Malaybalay City, Bukidnon.
Nasabat sa suspek ang iba’t ibang sukat ng heat-sealed transparent plastic sachet na may kabuuang timbang na aabot sa 519.38 gramo na may Standard Drug Price na Php3,531,784.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang suspek.
Pinasalamatan naman ni PCpt Arcilla ang mga operating personnel para sa pagkakahuli sa suspek at sinisiguro na patuloy ang kanilang pagsasagawa ng mga operasyon laban sa mga illegal na aktibidad upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.