Matagumpay na nailunsad ang buy-bust operation ng PNP at PDEA sa San Antonio Avenue, Parañaque City noong Disyembre 12, 2021 na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang (1) suspek at pagkakasamsam ng mahigit Php3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu.
Kinilala ang suspek na si Jimmy Kasim y Abdullah, nasa hustong gulang at residente ng Quiapo, Manila.
Si Abdullah ay naaresto bandang 11:00 ng umaga sa isang paradahan ng fast food chain na matatagpuan sa San Antonio Avenue, Parañaque City, sa pinagsanib puwersa ng PDEA PRO IV-A, tauhan ng RSET, sa pamumuno ni Cristopher Basilio, kasama ang SPD DID, mga operatiba mula sa DEU, Parañaque City Police sa pangunguna ni PMaj Brent Ian Salazar at mga tauhan ng BF Homes Sub-Station 5, sa pangunguna ni PMaj Tedy Cusipag, sa ilalim ng pangangasiwa ni PCol Maximo F Sebastian Jr, Chief of Police.
Narekober mula sa suspek ang humigit-kumulang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php3,450,000.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng PDEA ang suspek para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaso sa paglabag sa Section 5, Art. II ng RA 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Muling pinatunayan ng matagumpay na operasyong ito ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas kontra iligal na droga.
#####
Panulat ni: Patrolwoman Nica V Segaya
Good Job po sa PNP
Good job mga Sir!
God bless PNP.