Friday, November 29, 2024

Php3.4M halaga ng shabu, nasamsam sa buy-bust ng Novaliches PNP

Quezon City — Umabot sa Php3.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Novaliches Police Station nito lamang Miyerkules, ika-12 ng Abril 2023.

Kinilala ni NCRPO Regional Director, PMGen Edgar Alan Okubo ang suspek na si alyas “Boss”, 34 taong gulang.

Ayon kay PMGen Okubo, naganap ang nasabing operasyon bandang alas-7:00 ng umaga sa kahabaan ng Araceli Street, Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City kung saan naaresto si alyas “Boss” ng mga operatiba ng Novaliches PS 4.

Narekober sa kanya ang limang piraso ng buhol na plastik na umano’y shabu at anim na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman din ng hinihinalang shabu na sa kabuuan ay tinatayang 500 gramo ang bigat at may halagang aabot sa Php3,400,000; isang berdeng sling bag; isang unit ng cellular phone; isang Php1,000 na may kasamang 99 na piraso ng Php1,000 (pekeng pera) na nagsilbing buy-bust money; at apat na tunay na Php50.

Kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kahaharapin ng suspek.

Pinuri naman ni RD Okubo ang mga operating unit para sa mahusay na trabaho lalo na sa kanilang patuloy na pagsisikap na puksain ang mga ilegal na droga sa rehiyon.

Aniya, “Ang patuloy na pagsisikap ng ating mga tauhan ay sumasalamin sa ating walang kapagurang pangako at dedikasyon upang matiyak na ang mga lansangan ng Metro Manila ay walang droga, habang sinisikap nating mabigyan ang mga mamamayan ng isang tahimik at maayos na komunidad.”

Source: PIO NCRPO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles