Southern Police District — Umabot sa halos Php3.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa magkahiwalay na operasyon ng Southern Police District nitong Hunyo 11 at 12, 2022.
Ayon kay Southern Police District Director, Police Brigadier General Jimili Macaraeg, bandang 6:30 ng gabi ng Hunyo 11, 2022, naaresto sa kahabaan ng Rd. 14 Maguindanao St. Brgy. Bagong Lower Bicutan, Taguig City ang suspek na si Alonto Aminola Kasim alyas “Alonto,” 27, ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Taguig CPS kasama ang mga tauhan ng SWAT.
Nasamsam kay Kasim ang labing-isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na humigit-kumulang 430 gramo at may Standard Drug Price na Php2,924,000, isang black tea bag, isang grey sling bag, at 44 na piraso ng Php1,000 boodle money at isang tunay na Php1,000 na ginamit bilang buy-bust money.
Samantala, sa Paranaque City naman, dakong 3:30 ng madaling araw ng Hunyo 12, 2022, nahuli si Edrian Geronimo Chacon alyas “Kaka,” 30, sa Angelina Canaynay Ave., Brgy. San Isidro, Parañaque City ng mga operatiba ng SDEU at Police Sub-Station 4 ng Parañaque CPS.
Narekober kay Chacon ang siyam na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman din ng hinihinalang shabu na may bigat na 70 gramo at tinatayang Php476,000 ang halaga, isang black sling bag, isang genuine na Php1,000 at anim na Php1,000 boodle money.
Ang mga naarestong suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“I would like to commend our operating units for another laudable accomplishment that resulted in the confiscation of large amount of illegal drugs. We will remain aggressive in our fight against illegal drugs and other forms of criminality in southern metropolis,” ani PBGen Macaraeg.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos