Benguet – Tinatayang Php3.4 milyon halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasabat ng mga awtoridad mula sa dalawang suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Betag, La Trinidad, Benguet nito lamang ika-2 ng Abril 2023.
Kinilala ni Police Colonel Damian Olsim, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Maino”, at “Sided”.
Dagdag pa ni PCol Olsim, naging matagumpay ang operasyon dahil sa pinagsamang operatiba ng mga tauhan ng Benguet PNP, PDEA-Baguio, PDEA CAR-RSET, PDEA CAR-LTIU, Benguet PDEU, RIU 14 at La Trinidad Municipal Police Station.
Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang limang piraso ng knot-tied plastic bags na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 500 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php3,400,000, buy-bust money at iba pang non-drug evidence.
Kasong paglabag sa Sec. 5 at 11, Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek.
Patuloy naman ang pagpapaigting ng Cordillera PNP katuwang ang PDEA-CAR sa kanilang kampanya kontra ilegal na droga upang isulong ang isang mapayapa, ligtas at drug-free na pamayanan.