Friday, November 15, 2024

Php3.4M halaga ng shabu nasabat ng Antipolo PNP; 2 HVI arestado

Antipolo City – Tinatayang Php3,400,000 na halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang High Value Individual sa buy-bust operation ng Antipolo PNP sa Sitio Milagros, Sta. Elena, Brgy. Dalig, Antipolo City nito lamang Lunes, Marso 27, 2023.

Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang dalawang suspek na sina alyas ā€œFrenlieā€, 36 at alyas ā€œAilynā€, 46, pawang mga residente ng Antipolo City, Rizal.

Ayon kay PCol Baccay, bandang 4:41 ng madaling araw nang maaresto ang dalawang suspek sa naturang barangay ng mga tauhan ng Antipolo City Police Station na nagresulta sa pagkarekober ng 10 pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na kalahating kilo na tinatayang nagkakahalaga ng Php 3,400,000.

Nahaharap ang dalawang suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang Rizal PNP ay maninindigan at lalong magsisigasig upang mahuli ang mga taong patuloy na tumatangkilik at nagbebenta ng ilegal na droga para mapanatili na ligtas at maayos ang komunidad.

Panulat ni Patrolman Marvin Avila/RPCADU4A

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,300SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles