Maguindanao – Tinatayang Php3,400,000 halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation ng PNP, PDEA at NBI sa Sultan Kudarat, Maguindanao nito lamang ika-10 ng Pebrero 2023.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Thong”, 69, at alyas “Badrudin”, 37, at ang nakatakas na si alyas Abdulfatah/ Mamalinta.
Ang naturang operasyon ay mula sa pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, National Bureau of Investigation BAR, Highway Patrol Group BAR; PNP-Maritime Group, Regional Intelligence Operative Team (RIOT); Maguindanao Provincial Office ng PDEA BARMM, at PDEA BARMM RSET.
Nakumpiska sa operayon ang 10 pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng methamphetamine hydrochloride o shabu na may bigat na 500 grams at nagkakahalaga ng Php3,400,000, buy-bust money, isang Yamaha Sniper 150 motorcycle, 2 mobile phone, iba’t-ibang identification cards, 2 pirasong wallet, at mga dokumento ng sasakyan.
Ang mga naarestong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Samantala, patunay lamang ang tagumpay na ito na mas lalo pang pinapaigting ng Pambansang Pulisya ang kampanya nito kontra ilegal na droga katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno tungo sa mas maayos at maunlad na pamayanan.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz