Ilocos Norte – Nasabat ang Php3,400,000 halaga ng shabu sa dalawang arestadong suspek sa buy-bust operation ng Police Provincial Drug Enforcement Unit (PPDEU) nito lamang Lunes, Hunyo 20, 2022.
Kinilala ni PSMS Marcelino B Corpuz Jr., Team Leader ng PPDEU ang suspek na sina John Mark Dinong y Dipig, 33, residente ng Brgy. Balioeg, Banna, Ilocos Norte at Clifford Malana y Furuganan, 45, residente ng Sitio 1, Brgy. 16, San Marcos, San Nicolas, Ilocos Norte.
Ayon kay PSMS Corpuz Jr., naaresto ang mga suspek sa Sitio 1, Brgy. 16 San Marcos, San Nicolas, Ilocos Norte ng mga operatiba ng PPDEU Ilocos Norte Police Provincial Office kasama ang Provincial Intelligence Unit-Ilocos Norte PPO, Regional Intelligence Division, Philippine Drug Enforcement Agency-Ilocos Norte Provincial Office at San Nicolas Municipal Police Station.
Ayon pa kay PSMS Corpuz Jr., nakumpiska sa mga suspek ang isang malaking pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang may Standard Drug Price na Php3,400,000 at isang Taurus PT 911 caliber 45 kasama ang dalawang magazine at 16 na live ammunitions.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Repulic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang tagumpay ng PNP sa kampanya nito laban sa ilegal na droga at kriminalidad ay bunga ng pakikipagtulungan at pakikiisa ng mamamayan sa kapulisan.
Source: Ilocos Norte Police Provincial Office
###
Panulat ni Patrolman Joshua A Jimenez