Tayabas City, Quezon – Tinatayang Php3,400,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang suspek sa buy-bust operation ng Quezon PNP nito lamang Miyerkules, Abril 27, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Joel Villanueva, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, ang babaeng suspek na si Anna Marie Laurel y Manlulo alyas “Ging Ging”, 45 at residente ng Brgy. Laurel, Tagkawayan, Quezon.
Ayon kay PCol Villanueva, bandang 12:00 ng madaling araw naaresto si Ging Ging sa Brgy. Mayuwi, Tayabas City, Quezon ng pinagsamang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Unit-Quezon; Philippine Drug Enforcement Unit-Seaport Interdiction Unit; Philippine Drug Enforcement Unit-Regional Special Enforcement Team at Tayabas City Police Station.
Dagdag pa ni PCol Villanueva, nakuha mula sa suspek ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php3,400,000; isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang boodle money; isang unit ng mobile cellular phone; limang pirasong transparent plastic sachet na pinaghihinalaang shabu at isang pirasong white paper bag.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng aming buong suporta sa kampanya laban sa ilegal na droga. Ipagpatuloy natin ang ating dedikasyon at pangako sa serbisyo sa paglaban sa banta ng ilegal na droga sa ating bansa.” pahayag ni PCol Villanueva.
Source: Quezon Police Provincial Office-PIO
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville L Ortiz