Kumpiskado ang tinatayang nasa 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php3,400,000 sa lalaking suspek sa drug-bust operation na inilunsad ng Cebu City Police Station 2 sa Sitio Lower Kawayan, Barangay Sambag 2, Cebu City, noong Enero 27, 2024.
Kinilala ni Police Captain Mark Don Alfred P Leanza, Officer-In-Charge ng Cebu City Police Station 2 ang naarestong suspek na si ‘Jimboy’, 28, ng Barangay Suba, Cebu City na isang high profile drug suspek.
Bago pa ang operasyon, dati nang minamanmanan ng mga awtoridad suspek sa kanyang ilegal na aktibidad.
Maliban sa ilegal na droga nabawi rin mula sa suspek ang ginamit na buy-bust money.
Ang mga nakalap na ebidensya ay naisumite sa Cebu City Forensic Unit para sa kaukulang pagsusuri at ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak ng buong kapulisan ng lungsod sa pamumuno ni Police Colonel Ireneo B Dalogdog, City Director, ang higit na pagpapaigting sa kampanya kontra ilegal na droga para sa kaligtasan at seguridad ng komunidad.
Panulat ni Pat Edmersan P Llapitan