Tinatayang nasa Php3.4M na halaga ng illegal na droga ang nakumpiska sa anim (6) na High Value Individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation ng Bacoor Component City Police Station at Provincial Drug Enforcement Unit ng Cavite sa Barangay Molino 4, Bacoor City, Cavite nito lamang ika-26 ng Marso, 2025.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Boy”, 48 taong gulang; “Joedel”, 20 taong gulang; “Matt”, 33 taong gulang; “Reymart”, 30 taong gulang; “Johnpaul”, 42 taong gulang; at alyas “Jerwin”, 48 taong gulang, na pawang mga residente sa lungsod ng Cavite.
Bandang 3:00 ng hapon nang ikasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakakumpiska sanapat (4) na piraso ng knot-tied transparent ice bags, dalawang (2) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng crystalline substance na pinaghihinalaang shabu na may tinatayang bigat na higit-kumulang 500 gramo na nagkakahalaga ng Php3,400,000, isang (1) piraso ng unit ng 1911 cal. 45, isang (2) piraso ng cal. 45 magazine, isang (1) piraso ng improvised Thompson cal. 45, anim (6) na piraso ng live ammunition cal. 45, isang (1) piraso ng cal. 22, isang (1) piraso ng cal. 22 magazine, at isang (1) piraso ng bala ng cal. 22.
Ang mga nahuling suspek at ang nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Bacoor Component City Police Station para sa tamang dokumentasyon habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at paglabag sa RA 10591 kaugnay ng Omnibus Code COMELEC (Gun Ban) laban sa kanila.
Samantala nagpahayag ng pasasalamat si PCol Dwight E Alegre, Acting Provincial Director ng Cavite Police Provincial Office, sa pinagsamang operatiba para sa kanilang mabilis at masusing tugon sa mga iligal na gawain ng droga sa Cavite. “Pinupuri ko ang walang humpay na pagsisikap ng aming mga operatiba upang labanan ang ilegal na droga sa lalawigan. Papalakasin namin ang aming kampanya laban sa ilegal na droga upang matiyak na ang mga sangkot ay humarap sa mga kasong isinampa laban sa kanila sa korte,” ani Acting PD Alegre.
Panulat ni Patrolwoman Pricelle May T Urbano