Wednesday, November 27, 2024

Php3.46M halaga ng shabu nakumpiska sa PNP buy-bust sa Bacolod City

Bacolod City – Kumpiskado ang nasa Php3.46 milyong halaga ng shabu sa inilunsad na magkahiwalay na drug buy-bust operation ng Bacolod City PNP nito lamang Huwebes, Abril 28, 2022.

Ayon kay Police Colonel Thomas I Martir, City Director, Bacolod City Police Office, tagumpay na nahuli ang apat na suspek ng mga operatiba ng Bacolod City Police Office, at City Drug Enforcement Unit.

Naunang nahuli ng kapulisan sa Bacolod City Police Station 8 si Jimbo L. Agravante, 36, residente ng Purok 6 Barangay Singcang, Bacolod City, matapos mahuling nagbenta ng isang sachet ng shabu sa isang police poseur buyer. Nakumpiska sa kanya ang limang sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 10 grams na may estimated drug price na Php68,000.

Sa Barangay Banago naman nahuli ang tatlong suspek na kinilalang sina Sandy Romero, 25, isang High Value Individual; Sunny Boy Guino-ohan, 47; at Rudy Talabon, 56, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Ayon sa mga operatiba, si Romero lamang ang suspek sa nasabing buy-bust, ngunit hinuli na rin ng mga operatiba ang dalawa pa niyang kasamahan matapos makumpiska sa kanilang tatlo ang 17 sachet ng shabu na may bigat na humigit kumulang 500 grams na may Standard Drug Price na Php3,400,000.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Habang patuloy pa sa pag-iimbestiga ang mga kapulisan sa iba pang mga drug personality sa lungsod, patuloy ding pinaalalahanan ng PNP ang publiko na deretsahang ipagbigay-alam sa mga otoridad sakaling may kakaibang napapansin sa kanilang mga lokalidad kaugnay sa mga ilegal na droga.

Samantala, pinuri naman ni Western Visayas top cop, Police Brigadier General Flynn Dongbo, ang mga operatiba sa matagumpay na pagtugis sa mga nasabing personalidad, aniya, “Congratulations on your recent accomplishments, these bespeaks of your relentless effort against the menace of illegal drugs. Continue your endeavor to bring behind bars those who still engaged in the illegal drug activity.”

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles