Nakumpiska ang Php3.2 milyong halaga ng smuggled cigarettes sa isinagawang checkpoint sa Barangay Dalwangan, Malaybalay City, Bukidnon ng mga operatiba ng Malaybalay City Police Station nito lamang February 16, 2025.
Ayon kay Police Brigadier General Jaysen C de Guzman, Regional Director ng Police Regional Office 10, sa isinagawang checkpoint ay naharang ang isang white Isuzu truck van lulan ang mga tatlong indibidwal na kinilala na sina alyas “Berto”, 46 anyos, driver, at residente ng El Salvador City, Misamis Oriental; alyas “Jim-jim”, 51 anyos, truck helper, taga-El Salvador City, Misamis Oriental; at sir alyas “JB”, 30 anyos, laborer, residente ng Cogon, Cagayan de Oro City.
Nakumpiska ang 80 kahon ng smuggled cigarettes, kung saan 60 kahong Fort Brand 100s at 20 kahon ng Cannon Menthol 100s.
Lahat ng nasabing mga sigarilyo ay walang kaukulang papeles mula sa Bureau of Customs (BOC) at wala ding nakaimprentang health warning stickers.
Pinuri naman ni Police Brigadier General Jayden C De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang Bukidnon PNP. “Our intensified checkpoint operations serve as a frontline defense against smuggling, drug trafficking, and other criminal activities. This confiscation underscores the critical role of checkpoints in ensuring the safety and security of Northern Mindanao.”