Kalinga – Tinatayang Php3,120,000 na halaga ng marijuana ang nadiskubre ng mga awtoridad sa dalawang plantasyon sa Brgy. Bugnay, Tinglayan, Kalinga nito lamang Abril 21-23, 2023.
Ayon kay Police Colonel Charles Domallig, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, matagumpay ang nasabing operasyon sa pinagsamang puwersa ng Tinglayan Municipal Police Station at 2nd Provincial Mobile Force Company ng Kalinga Police Provincial Office.
Nadiskubre sa isang plantasyon na may sukat na 600sqm ang 7,200 piraso ng Fully-Grown Marijuana Plants na may Standard Drug Price na Php1,440,000 at sa ikalawang plantasyon naman na may sukat na 700 sqm ang 8,400 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na may Standard Drug Prize na Php1,680,000 na may kabuuang halaga na Php3,120,000.
Agad namang binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga nadiskubreng marijuana plants at walang nahuling marijuana cultivators.
Ang Kalinga PNP ay patuloy sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga at patuloy na magbibigay serbisyo publiko para sa kaayusan at kapayapaan ng nasasakupan.
Source: Kalinga Police Provincial Office- PIO