Nasabat ang Php2,000,000 halaga ng smuggled cigarettes mula sa dalawang indibidwal sa isinagawang anti-smuggling operation ng mga operatiba sa Barangay Dinaig Proper, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nito lamang ika-25 ng Abril 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Gieson M Baniaga, Chief of Police ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Sely” at alyas “Abdur”, pawang mga residente ng Barangay Poblacion, Jolo, Sulu.
Matagumpay na isinagawa ang anti-smuggling operation ng mga tauhan ng NBI-BARMM katuwang ang Datu Odin Sinsuat MPS, Provincial Intelligence Unit – MDN PPO at ang 1404th A Maneuver Force Company ng RMFB 14-A.
Nakumpiska sa operasyon ang tinatayang 100 kahon ng assorted smuggled cigarettes na walang kaukulang mga dokumento at may kabuuang halagang Php2,000,000.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 3601 ng Tariff and Customs Code of the Philippines ng PD 4712, Section 254 ng Republic Act 8424 o “Tax Code”, at Sections 10-11 ng RA 10643 o “Graphic Health Warning Law”.
Ang nasabing operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya kontra smuggling at illegal trade sa rehiyon at patuloy ang kapulisan sa publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon ukol sa mga kahina-hinalang aktibidad sa kanilang mga komunidad. Tiniyak din ng mga awtoridad na magpapatuloy ang kanilang operasyon upang tiyaking ligtas, maayos, at malinis ang kalakalan sa buong rehiyon ng Bangsamoro.
Panulat ni Pat Ma. Señora Agbuya