Zamboanga City – Tinatayang nasa Php2,040,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng Zamboanga City PNP nito lamang Linggo, Hunyo 12, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Franco Simborio, Regional Director ng Police Regional Office 9, ang dalawang suspek na sina Jimhar Usman Jalani alyas “Jemsrockz”, isang High Value Individual, 40, may asawa, walang trabaho, residente ng Brgy. Talon-Talon, Zamboanga City at Adriano Pedro y Ganela alyas “Jun-jun”, 40, may asawa, photographer, residente ng Brgy. Catalina, Zamboanga City.
Ayon kay PBGen Simborio, bandang 11:39 ng maaresto ang mga suspek sa Martha Drive, Brgy. Sta. Catalina, Zamboanga City ng pinagsamang puwersa ng Station Drug Enforcement Team ng Zamboanga City Police Station 11, Provincial Drug Enforcement Unit-Zamboanga del Norte Police Provincial Office, 904th Maneuver Company-Regional Mobile Force Battalion 9, Regional Intelligence Unit 9, 1st Zamboanga City Mobile Force Company-SWAT Team 3, City Intelligence Unit-Zamboanga City Police Office, TSC-RMFB 9, PCTC-WFMO, ZCIT at PNP IG.
Ayon pa kay PBGen Simborio, nakumpiska sa dalawang suspek ang nasa 300 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php2,040,000, buy-bust money, isang unit ng Samsung Keypad phone, isang navy blue pouch, isang pirasong yellow EMC echo bag at isang black unit Suzuki Raider na may Plate No. 227 JQB.
Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patunay na ang pagkakadakip ng dalawang suspek ay bunga ng mas pinaigting na kampanya ng Pambansang Pulisya laban sa ilegal na droga sa tulong ng mamamayan tungo sa mas maunlad at payapang komunidad.
Source: Zamboanga City Police Station 11
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz