Valenzuela City — Tinatayang umabot sa Php2 milyong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska sa isang binatilyo na tinaguriang High Value Individual sa ikinasang buy-bust operation ng Valenzuela City Police Station nito lamang Martes, Abril 25, 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr, District Director ng Northern Police District, ang suspek sa pangalang Erold, 20, binata, Grade 11 Senior High School at nakatira sa Block 8 Lot 7 Agapito Compound , Barangay 171, Caloocan City.
Ayon kay PBGen Peñones Jr, naganap ang nasabing operasyon ng Station Drug Enforcement Unit ng Valenzuela CPS, dakong 7:00 ng umaga, sa kahabaan ng Cabatuhan Street, Gen T De Leon Valenzuela City na nagresulta sa pagkakaaresto sa binatilyo.
Nakumpiska sa suspek ang apat na knot-tied transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu, isang tunay na Php500 na may kasamang 79 piraso ng Php1,000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money, isang kulay asul na belt bag, isang Unit Oppo Cellphone, at isang unit na orange na Mio motorcycle na may MV-file no.1401-427352 kasama ang susi at helmet nito na nakarehistro kay Juanito Aquino Quintero ng Bagtas, Tanza, Cavite.
Mahaharap ang binatilyo sa kasong paglabag sa Seksyon 5 at 11 sa ilalim ng Artikulo II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon ng Northern Metro ay dahil sa pakikipagtulungan ng komunidad na masugpo ang talamak na bentahan at paggamit ng ilegal na droga sa buong distrito.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos