Kibungan, Benguet – Tinatayang Php2,064,000 na halaga ng marijuana ang binunot at sinunog ng Benguet PNP na nadiskubre habang nagsagawa ng Combat Patrol sa communal forest ng Sitio Batangan, Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet nito lamang Lunes, Oktubre 24, 2022.
Ayon kay Police Brigadier General Mafelino Bazar, Regional Director, Police Regional Office Cordillera, naging matagumpay ang operasyon sa pinagsanib na pwersa ng 1st Benguet Provincial Mobile Force Company at Special Action Force.
Ayon pa kay PBGen Bazar, nadiskubre ng mga operatiba ang siyam na marijuana plantation sites na may tanim na 10,020 piraso ng fully-grown marijuana plants na may Standard Drug Price na Php2,064,000 at 1,500 na piraso ng marijuana seedlings na may Standard Drug Price na Php60,000.
Kaagad namang binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga nadiskubreng marijuana plants at walang naitalang nahuling marijuana cultivator.
Ang Benguet PNP ay patuloy na papaigtingin ang pakikipag-ugnayan sa komunidad para mahuli ang mga nagtanim ng ipinagbabawal na halaman at papaigtingin ang pagpapatrolya para mapuksa ang mga ilegal na halaman sa kanilang nasasakupan.
Source: Police Regional Office Cordillera-PIO
Panulat ni Patrolman Raffin Jude Suaya