Tinatayang Php2 milyong halaga ng marijuana ang nadiskubre ng Mt. Province PNP sa isinagawang marijuana eradication sa Sitio Soyosoyan, Brgy. Saclit, Sadanga, Mt. Province nito lamang ika-15 ng Enero 2024.
Ayon kay Police Colonel Sibly Dawiguey Jr, Provincial Director ng Mt. Province Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Sadanga Municipal Police Station, Philippine Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Division-Cordillera, 2nd Company Provincial Mobile Force Company MPPO, Regional Intelligence Unit-14, at ang Philippine Drug Enforcement Agency – Mountain Province.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng dalawang plantasyon ng marijuana na may kabuuang lawak na 1,500 square meters at may tanim na 10,000 pirasong fully grown na halaman ng marijuana na nagkakahalaga ng tinatayang Php2,000,000.
Bagama’t walang naaktuhang cultivator, lahat ng halaman ng marijuana ay binunot at sinunog sa nasabing lugar.
Pinuri naman ni PCol Dawiguey Jr, ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon at nangakong lalong pagsisikapan ng Mountain Province PNP ang pagsugpo sa ilegal na droga sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni Patrolwoman Liezle Digman