Taguig City — Umabot sa dalawang milyong halaga ng cocaine ang nakumpiska sa isang Storage Facility sa Taguig City ng mga otoridad nito lamang Martes, Nobyembre 22, 2022.
Ayon kay PBGen Jonnel Estomo, Acting Regional Director ng NCRPO, bandang 10:00 ng gabi nagsagawa ng Search Warrant sa Brgy. Western Bicutan, Taguig City kung saan natuklasan ang isang storage facility na may tatlong kahon na naglalaman ng umano’y ilegal na droga ng mga operatiba mula sa Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office-NCR Southern District, PDEA IS, PDEA K9, Bureau of Customs – Customs Anti-Illegal Drug Task Force, Customs Intelligence and Investigation Service at National Intelligence Coordinating Agency sa pakikipag-ugnayan sa Southern Police District – District Intelligence Division, SPD District Drug Enforcement Unit at Taguig City Police.
Narekober sa lugar ang humigit kumulang 500 gramo ng hinihinalang cocaine na nagkakahalaga ng Php2,000,000, iba’t ibang E-cigarette o vape cartridge na naglalaman ng pinaghihinalaang langis ng marijuana na higit o mas mababa sa 30 gramo na hinihinalang Kush (hybrid marijuana), ilang ID, maliit na transparent glass at plastic tube container na naglalaman ng pinaghihinalaang marijuana oil, samu’t saring paraphernalia, isang bag ng mga walang laman na kapsula at ilang ziplock bag na may residue ng hinihinalang ilegal na droga ang nasamsam ng joint operating teams.
Lahat ng nakuhang ebidensya ay itinurn-over sa PDEA RO-NCR Southern District para sa kaukulang disposisyon.
“The coordination among agencies has led the confiscation of this large amount of illegal drugs. We can say that we were able to stop the possible distribution or selling this 2 million worth of drugs and prevented the users from its consequences. Rest assured na patuloy tayong magtutulungan sa pagsuporta at pagtulong sa bawat yunit upang hindi payagang sirain ng mga drogang ito ang buhay ng ating mga mamamayan, lalo na ang ating mga kabataan,” ani PBGen Estomo.
Source: PIO_NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos