Benguet – Tinatayang Php297,600 na halaga ng marijuana ang nadiskubre ng Benguet PNP sa dalawang plantasyon sa kanilang isinagawang Marijuana Eradication Oplan Herodotus sa Sitio Bekes, Tacadang, Kibungan, Benguet nito lamang ika-16 ng Hulyo 2023.
Ayon kay Police Colonel Damian Olsim, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, ang nasabing operasyon ng Kibungan Municipal Police Station at Benguet Police Provincial Office ay nagresulta sa pagkadiskubre ng 1,440 piraso ng marijuana seedlings at 1,200 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants sa 380 square meters na lupain na may Standard Drug Price na Php297,600.
Kaagad namang binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga nadiskubreng marijuana.
Bagamat walang nahuling marijuana cultivator, patuloy naman ang imbestigasyon ng Benguet PNP upang madakip ang mga taong nasa likod nito.