Nasabat ang tinatayang Php29,920,000 halaga ng shabu sa isang High Value Individual sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Palawan Zone 2, Barangay Divisoria, Zamboanga City nito lamang ika-18 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Elmer P Solon, Chief ng Regional Drug Enforcement Unit 9, ang suspek na si alyas “Bhar/Ak” (HVI), 40 anyos, lalaki, residente ng Aurora Village, Tumaga, Zamboanga City.
Ikinasa ang buy-bust operation ng Regional Drug Enforcement Unit 9, kasama ang PDEA ZCO, NISG-WM at ZCPS6 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagkakakumpiska ng walong heat-sealed transparent plastic sachets at apat na vacuum sealed plastic pack na pinaghihinalaang shabu na may timbang na humigit kumulang 4,400 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php29,920,000, isang piraso ng Php1,000 bilang marked money at iba pang non-drug evidence.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang suspek.
Patuloy ang PNP sa mas lalong pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco