Nasabat ang tinatayang Php282,540 halaga ng shabu mula sa tatlong drug personality matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Minterbro, Barangay Ilang, Davao City nito lamang Pebrero 8, 2025.
Kinilala ni Police Major Marcille M. Manzano, Acting Station Commander ng Sasa Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Brad”, 32 taong gulang, “Alfredo”, 46 taong gulang at alyas “Marjan”, 24 taong gulang, na pawang mga residente ng nasabing lungsod.
Narekober mula sa mga suspek ang 41.55 na gramo ng shabu at iba pang non-drug evidence at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang tuloy-tuloy na operasyon ng Police Regional Office 11 ay hindi lamang nakatuon sa pagsugpo ng iligal na droga kundi pati na rin sa paglaban sa iba pang uri ng krimen, isang mahalagang hakbang tungo sa pagbuo ng isang mas ligtas at maunlad na komunidad.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino