Zamboanga City – Tinatayang Php280,000 halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat ng mga tauhan ng Maritime Group noong Lunes, Marso 28, 2022.
Kinilala ni PCpt Benzar Mukarram, Station Chief ng Zamboanga City Maritime Police Station, ang mga suspek na sina Aminulla H. Alyaser, 32; Abdurahman U. Bensar, 19; at Gapur M. Jibar, 22; kapwa mga residente ng Zone 3 Kampurna, Basilan Province.
Ayon kay PCpt Mukarram, bandang 10:35 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa baybayin ng Barangay Mariki, Zamboanga City ng mga tauhan ng Zamboanga City Maritime Police Station at ang Bureau of Customs.
Ayon pa kay PCpt Mukarram, nasabat sa mga suspek ang mahigit kumulang 14 na master cases ng smuggled cigarettes na may tinatayang halaga na Php280,000, at nakumpiska ang isang motor pump boat na may markang “INRANA”.
Mahaharap ang mga nahuling suspek sa kasong paglabag sa Sec. 1401 (Unlawful Importation or Exportation) ng RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
###
Panulat ni NUP Loreto B Concepcion
Mahusay talaga ang mga pulis