Benguet – Tinatayang Php280,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre at sinunog sa isinagawang marijuana eradication ng mga awtoridad sa Sitio Mocgao, Brgy. Badeo, Kibungan, Benguet nito lamang Nobyembre 28, 2023.
Ayon kay Police Colonel Damian Olsim, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga operatiba ng 2nd Benguet Provincial Mobile Force Company, Kibungan Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit, at Philippine Drug Enforcement Agency-CAR.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakadiskubre ng dalawang plantasyon ng marijuana na may kabuuang lawak na 175 square meters na may tinatayang nakatanim na 1,400 na piraso ng Fully Grown Marijuana Plants (FGMP) na tinatayang nagkakahalaga ng Php280,000.
Bagama’t walang nahuling marijuana cultivator ay kaagad binunot at sinunog ng mga awtoridad ang lahat ng nadiskubreng marijuana sa mismong lugar na pinagtamnan.
Patuloy ang Benguet PNP sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga at kriminalidad upang makamtan ang maayos at payapang pamayanan.