Tinglayan, Kalinga – Tinatayang Php28,300,000 halaga ng marijuana ang binunot at sinunog ng Kalinga PNP sa isinagawang marijuana eradication sa Brgy. Tulgao West, Tinglayan, Kalinga nito lamang Biyernes, Hulyo 22, 2022.
Ayon kay Police Colonel Peter M Tagtag Jr., Provincial Director, Kalinga Police Provincial Office, matagumpay ang operasyon dahil sa pinagsamang puwersa ng Tinglayan Municipal Police Station, Pinukpuk MPS, Rizal MPS, Pasil MPS, Tanudan MPS, Philippine Drug Enforcement Agency Kalinga PPO, 141 Special Action Company, 14 Special Action Battalion, at PNP Special Action Force.
Bagamat walang nahuling marijuana cultivator, kaagad namang binunot at sinunog ng mga operatiba ang tinatayang aabot sa 141,500 fully grown ng halamang marijuana na may Standard Drug Price na Php28,300,000 sa mismong lugar ng taniman.
Ang matagumpay na operasyon ng Kalinga PNP ay isa lamang resulta ng walang tigil at mas pinaigting na kampanya kontra sa ilegal na droga.
Source: PROCOR PIO
###
Panulat ni Patrolwoman Febelyne C Codiam