Nasamsam ang tinatayang Php277,000 halaga ng shabu mula sa isang Top 6 na High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation ng Calinan Police Station sa Crossing Purok 9, Barangay Lacson, Calinan District, Davao City bandang 1:01 ng madaling araw ng Hunyo 3, 2025.
Kinilala ni Police Major Robel B Saavedra, Acting Station Commander ng Calinan Police Station, ang suspek na si alyas “Jan-Jan”, 40 anyos, at residente ng Barangay Sasa, Davao City.
Ayon kay PMaj Saavedra, ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Sa pamamagitan ng mas pinaigting na operasyon at suporta ng mamamayan, layunin ng mga kapulisan na wakasan ang kalakalan ng ipinagbabawal na gamot sa bawat sulok ng bansa habang tinitiyak na ang bawat kilos ay alinsunod sa batas, may respeto sa karapatang pantao, at nagsusulong ng isang ligtas at maayos na pamayanan para sa lahat.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino