Nasamsam ang tinatayang Php272,000 halaga ng shabu sa isinagawang operasyon ng Special Drug Enforcement Team (SDET) ng Butuan City Police Station 1 sa Purok-4, Barangay Tandang Sora, Butuan City bandang 1:44 madaling araw nito lamang Pebrero 10, 2025.
Kinilala ni Police Colonel Rommel D Villamor, City Director ng Butuan City Police Office, ang naaresto na si alyas “Dodong,” isang newly Identified Drug Personality, 44 anyos, at residente ng Purok-4, Barangay Tandang Sora, Butuan City.
![](https://i0.wp.com/psbalita.com/wp-content/uploads/2025/02/476736387_4045548442354229_4624995772241130997_n.jpg?resize=696%2C522&ssl=1)
Sa operasyon, nakumpiska ang 40 gramo ng hinihinalang shabu na may kabuuang halaga na Php272,000; isang black arm sleeve; isang improvised aluminum tooter; dalawang disposable yellow lighters na walang flame guard; isang improvised bamboo sealer; empty plastic sachets; isang stainless scissor na may black plastic handle; isang rolled aluminum foil; isang digital weighing scale; isang small improvised bamboo sealer; at Php2,604 na cash.
Ang operasyon ay isinagawa batay sa Search Warrant No. 2025-02-06-01 na inisyu ni Hon. Marigel S. Dagani-Hugo, Presiding Judge ng Regional Trial Court 3, 10th Judicial Region, Libertad, Butuan City para sa paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang matagumpay na operasyon ng Butuan PNP ay simbolo ng pagpapalakas ng laban kontra droga, pagpapabuti ng kaligtasan sa Butuan City, at pagpapanatili ng kaayusan upang maiwasan ang paglaganap ng mga ilegal na gawain sa komunidad.
Panulat ni Pat Karen Mallillin