Nasamsam ang tinatayang Php272,000 halaga ng shabu habang arestado naman ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng PNP-PDEA BARMM sa Barangay Mipaga, Marawi City, Lanao del Sur nito lamang ika-9 ng Hunyo 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Gieson M Baniaga, Chief of Police ng Marawi City Police Station, ang suspek na si alyas “Kar”, 47 anyos, residente ng Barangay Kalungunan, Pantar, Lanao del Norte.
Naging matagumpay ang naturang operasyon ng mga tauhan ng Marawi City Police Station katuwang ang Provincial Drug Enforcement Unit – Provincial Special Operations Group, 1st Provincial Mobile Force Company, 1402nd at 1403rd Regional Mobile Force Company at Philippine Drug Enforcement Agency na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Nakumpiska ang dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na pinaghihinalaang shabu na may bigat na 40 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php272,000, isang piraso ng Php500 bill, 48 piraso ng Php1,000 boodle money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay patuloy sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga.
Ito ay alinsunod sa isa sa pangunahing prayoridad ng adminitrasyon na labanan ang mga sindikato ng droga para sa isang maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora J Agbuya