Nasabat ang tinatayang Php272,000 halaga ng shabu at arestado ang isang indibidwal sa isinagawang anti-illegal drug operation ng pulisya sa Barangay West Poblacion Rizal, Zamboanga del Norte nito lamang ika-24 ng Disyembre 2024.
Kinilala ni Police Major Amel Von Alegria, Team Leader ng Zamboanga del Norte Provincial Drug Enforcement Unit, ang suspek na si alyas “Omar”, 37 anyos, lalaki, may asawa at residente ng Purok Iranon, Barangay Tolon, Rizal, Zamboanga del Norte.
Ikinasa ang operasyon ng Zamboanga del Norte Police Drug Enforcement Unit katuwang ang Rizal MPS, PDEA 9 ZDN, 5th SOU PNP MG at 901st MC RMFB 9 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagkakakumpiska ng isang piraso ng large heat-sealed transparent plastic sachet na hinihinalang shabu at may timbang na 40 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php272,000; isang Realme android na cellphone; at iba pang non-drug evidence.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang suspek.
Patuloy ang Zamboanga PNP sa pagpapaigting ng kampanya kontra iligal na droga upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Panulat ni Pat Joyce Franco