Caloocan City — Tinatayang Php272,000 halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang suspek sa buy-bust operation ng Caloocan City Police Station nitong Sabado, Mayo 14, 2022.
Kinilala ni NPD Director, Police Brigadier General Ulysses Cruz ang mga suspek na sina Jayson Ben Bisnar y Sugetarius alyas “Venzon”, 37 at residente ng Libis Talisay, Barangay 12, Lungsod ng Caloocan; at Jeffrey Estallo y Polloso, alyas “Pilay”, 31 at residente ng PNR Compound, Samson Road, Barangay 73 sa parehong lungsod.
Ayon kay PBGen Cruz, dakong 12:50 ng madaling araw naaresto ang dalawa sa Julian Felipe St., Barangay 8 ng lungsod ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit-NPD at PDEA.
Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 40 gramo at nagkakahalaga ng Php272,000, isang tunay na Php500 at apat na Php500 na ginamit bilang buy-bust money.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak ni PBGen Cruz na ang Northern Police District ay patuloy na paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga at kriminalidad para sa ligtas at tahimik na pamayanan.
Source: NPD PIO
###