Butuan City – Tinatayang nasa Php272,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa buy-bust operation ng Butuan PNP nito lamang Lunes, Mayo 16, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Excelso Lazaga Jr, City Director ng Butuan City Police Office, ang suspek na si Ronnie Mandantes alyas “Ronnie”, 35 at residente ng Brgy. Port Poyohon, Butuan City.
Ayon kay PCol Lazaga, bandang 2:00 ng madaling araw nang maaresto si Mandantes sa Purok 2, Brgy Emadejas, Butuan City ng mga operatiba ng Butuan City Police Station 1.
Ayon pa kay PCol Lazaga, narekober mula sa suspek ang nasa humigit kumulang 40 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php272,000; drug paraphernalia; dalawang smartphone at five hundred peso bill na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy naman ang Butuan PNP sa pagsasagawa ng operasyon at pangangalap ng impormasyon upang matukoy at mapanagot ang mga sangkot sa ilegal na gawain upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng kanilang nasasakupan.
Source: Butuan City Police Office-PIO
###
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13