Masbate – Tinatayang Php272,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang lalaki na kabilang sa listahan ng High Value Individual sa ikinasang Search Warrant Operation ng PNP Bicol at PDEA Masbate sa Barangay Buenasuerte, Uson, Masbate nito lamang Pebrero 20, 2023.
Kinilala ni PCol Rolly D Albaña, Provincial Director ng Masbate PPO, ang suspek na si Joselito Moran, 39 at residente ng Purok 4, Barangay Buenasuerte, Uson, Masbate.
Isinagawa ang nasabing operasyon ng pinagsanib na mga operatiba ng Uson Municipal Police Station, Regional Drug Enforcement Unit, Provincial Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Division, Masbate 2nd PMFC at PDEA-Masbate.
Nakumpiska mula sa naturang operasyon ang 11 na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 40 gramo na may market value na Php272,000, isang yunit ng caliber .9mm pistol TM, isang yunit ng KJ9, isang piraso ng magazine at 24 na bala ng caliber .9mm.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng walang tigil at mas pinaigting na kampanya ng Masbate PNP kontra ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan at gawing drug free ang lalawigan mula sa ipinagbabawal na gamot.
Source: Uson Mps Masbate PPO