Quezon City – Tinatayang nasa Php272,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa limang naarestong suspek sa buy-bust operation ng Holy Spirit Police Station nito lamang Sabado, Marso 12, 2022.
Kinilala ni QCPD Director, PBGen Remus Medina ang mga suspek na sina Andrei Baluyot y Airias, 28; Marcos Carlo y Guevarra, 43; Rosito Butil y Balonga, 31; Pablo Jacinto y Celiofas, 45; at Madelain Grace Dalion y Raton, 27, pawang mga residente ng Quezon City.
Ayon kay PBGen Medina, dakong ika-7:10 ng gabi naaresto ang mga suspek sa Espacio Bernardo Street, Brgy. Sauyo, Quezon City ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng PS14 (Holy Spirit).
Ayon pa kay PBGen Medina, nakumpiska mula sa mga suspek ang mahigit kumulang 400 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php272,000, isang coin purse, at ang perang ginamit sa buy-bust.
Aniya pa ni PBGen Medina, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang mga ganitong kampanya laban sa ilegal na droga ay malaking kontribusyon upang mapanatiling ligtas at payapa ang ating lungsod Quezon. Patunay lamang na ang QCPD ay dedikado sa kanilang mga sinumpaang tungkulin.
###
Panulat ni Patrolwoman Nica V Segaya
Salamat sa mga kapulisan sa pagkakahuli sana all mahuli na