Taytay, Rizal – Nasabat ang tinatayang Php265,200 na halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Rizal PNP sa isang barangay tanod nito lamang Huwebes, Agosto 4, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si Rommel Delatado alyas “Bay”, 40, barangay tanod, residente ng Ilang Ilang St., Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal.
Ayon kay PCol Baccay, bandang 2:00 ng hapon naaresto ang suspek sa kahabaan ng E. Mateo Extension, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit-Rizal.
Nakumpiska sa suspek ang walong heat-sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 39 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php265,200, isang pirasong Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money, tatlong pirasong Php100 bill at isang pouch.
Nahaharap ang suspek sa kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, pinuri naman ni PCol Baccay ang mga tauhan ng Rizal PNP sa kabayanihan at katapatan sa sinumpaang tungkulin at sa  walang humpay na operasyon laban sa ilegal na droga para tuluyang sugpuin ang paglaganap nito sa probinsya ng Rizal.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon