Tinatayang Php256,000 halaga ng Fully Grown Marijuana Plants ang nadiskubre ng mga otoridad sa Sitio Tanap, Kayapa, Bakun, Benguet nito lamang ika-5 ng Hunyo, 2025.
Ayon kay Police Colonel Joseph Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pangunguna ng 1st Benguet Provincial Mobile Force Company katuwang ang Bakun Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit ng Benguet PPO, Regional Intelligence Division, PRO CAR at Philippine Drug Enforcement Agency CAR.


Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng 1,280 Fully Grown Marijuana Plants sa communal forest at may Standard Drug Price na Php256,000.
Lahat ng nadiskubreng marijuana ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Ang Benguet PNP ay patuloy ang pagsuporta sa isinusulong ng Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., na Whole-of-Nation Approach na kinakailangan para maging illegal drug free ang ating bansa.