San Mateo, Rizal – Tinatayang Php255,000 na halaga ng shabu ang nasabat sa buy-bust operation ng San Mateo PNP sa Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal nito lamang Sabado, Disyembre 10, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Lau”, 50, residente ng San Mateo, Rizal.
Ayon kay PCol Baccay, bandang 9:52 ng gabi naaresto ang suspek ng mga tauhan ng Drug Enforcement Team/Intelligence Operative ng San Mateo Municipal Police Station.
Narekober sa suspek ang 10 heat sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 37.53 gramo na nagkakahalaga ng Php255,000, isang digital weighing scale, isang pirasong Php500 bill, dalawang pirasong Php200 bill na ginamit bilang buy-bust money at isang android phone.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang tagumpay ng San Mateo PNP ay bunga ng pinaigting na suporta at makikipatulungan ng mamamayan sa komunidad.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU 4A