Narekober ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation ang Php255,000 halaga ng hinihinalang shabu sa dalawang indibidwal sa Barangay Tankulan, Manolo Fortich nito lamang Hulyo 31, 2024.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Arsad” at alyas “Raidah”.
Narekober mula sa dalawang suspek ang kabuuang 150 gramo ng ilegal na droga kabilang ang Php8,000 boodle money at isang Caliber 22 pistol na naglalaman ng limang bala.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165, RA 10591 at Obstruction of Justice ang mga naarestong suspek.
Nagpapatunay lamang ito na hindi titigil ang PNP sa pagpuksa sa mga kriminalidad lalong lalo na sa pagsugpo kontra ilegal na droga para sa payapang komunidad.