Tinatayang Php255,884 halaga ng shabu at ilegal na baril ang nasamsam sa search warrant operation ng Balayan PNP sa Barangay Lanatan, Balayan, Batangas nito lamang ika-05 ng Oktubre 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Amado”, 41 taong gulang, residente ng Barangay Lanatan, Balayan, Batangas.
Naaresto ang suspek habang naghahain ng search warrant ang mga tauhan ng Balayan Municipal Police Station sa nasabing lugar at nakumpiska mula sa suspek ang siyam (9) na pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit kumulang 37.63 gramo at nagkakahalaga ng Php255,884, isang Unit ng Smith and Wesson Cal. 38 Revolver na may limang pirasong Cal. 38 na bala, pitong pirasong bala ng Cal. 45, limang pirasong bala ng Cal. 38 at weighing scale.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Balayan PNP ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang matagumpay na operasyon ng Batangas PNP ay mahalaga sa pagtataguyod ng isang ligtas at mapayapang lipunan. Sa patuloy na pagpapatupad ng batas at nagkakaroon ng mas matatag na hakbang tungo sa isang bansa na malaya sa banta ng ilegal na droga at iba’t ibang uri ng krimen upang magbigay ng mas maliwanag na kinabukasan sa bawat mamamayan.
Source: PRO 4A
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica S Teng