Tacurong City, Sultan Kudarat – Tinatayang Php245,000 halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng PNP sa isinagawang checkpoint operation sa Purok Barrio 2, Barangay EJC Montilla, Tacurong City, Sultan Kudarat noong Setyembre 13, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, ang mga suspek na sina Johnson Dayto Reyes, 32, single, tricycle driver, residente ng Purok Sampaguita, Barangay Poblacion, Tantangan, South Cotabato at si Marlon Villares Zamora, 27, single, self-employed, residente ng Purok Kamanggahan, Barangay Poblacion, Tantangan, South Cotabato.
Ayon kay PBGen Macaraeg, nahuli ang mga suspek matapos makumpirma ng mga otoridad ang natanggap na impormasyon mula sa RSOG 12 na may isang yunit ng Toyota Hilux na may plate no. AOA 1926 at isang Toyota Vios na may plate no. na GAH 7568 na naglalaman ng 35 box na smuggled na sigarilyo na galing pa sa Malaysia na walang kaukulang dokumento.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10863 o “The Customs Modernization and Tariff Act.”
Pinuri naman ni PBGen Macaraeg ang mga tauhan ng Tacurong MPS, 1202nd Maneuver Company, RMFB 12 katuwang ang Bureau of Customs Sub Port ng Dadiangas sa matagumpay na pagkakaharang sa ibiniyaheng mga smuggled na sigarilyo na hindi umano’y nagmula pa sa General Santos City patungong Sultan Kudarat Province.
Source: Police Regional Office 12 – Public Information Office
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin