Benguet – Tinatayang Php244,000 halaga ng marijuana ang napuksa ng Benguet PNP sa isinagawang marijuana eradication sa Sitio Lambi, Kayapa, Bakun, Benguet nito lamang Oktubre 20, 2023.
Ayon kay Police Colonel Damian Olsim, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng mga operatiba ng Bakun PNP katuwang ang mga tauhan ng Benguet 1st Provincial Mobile Force Company, Benguet Provincial Drug Enforcement Unit at Provincal Intelligence Unit-Benguet.
Matagumpay ang operasyon kung saan nadiskubre ang tatlong plantasyon na may nakatanim ng 1,040 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na may Standard Drug Price na Php208,000.
Gayundin ang 900 piraso ng mga marijuana seedlings na may SDP na Php36,000 na agad naman binunot at sinunog ng mga awtoridad.
Patuloy ang Benguet PNP sa pagpuksa ng mga marijuana plantation sa buong nasasakupan para sa kaayusan at kapayapaan sa buong probinsya.