Nasabat ang tinatayang Php243,000 halaga ng shabu mula sa isang tinaguriang Top 8 Regional Target sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Sta. Maria, Davao Occidental nito lamang Abril 5, 2025.
Kinilala ni Police Captain Jan Reywan L Abadia, Officer-In-Charge ng Sta. Maria Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Jan”, 32 anyos na residente ng Barangay San Isidro, Davao Occidental.
Nakuha mula sa suspek ang humigit kumulang 35.8 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php243,440 kasama ang iba pang ebidensya.
Nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Tuloy-tuloy naman ang operasyon ng kapulisan sa Police Regional Office 11 hindi lamang para hulihin at mapanagot ang lahat ng lumalabag sa batas kundi pati na rin hikayatin ang komunidad na makiisa sa mga mahahalagang hakbang upang matiyak ang kaayusan tungo sa kaunlaran.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino