Taguig City — Tinatayang Php242,760 na halaga ng shabu ang nakulimbat sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Taguig City Police Station nito lamang Martes, Agosto 2, 2022.
Kinilala ang mga suspek na sina Freddie Madrazo Jr y Dilig alyas “Mata”, 41; at Irene Antazo y Cortez, 44.
Ayon kay PBGen Jimili Macaraeg, SPD Director, bandang 8:30 ng gabi naaresto ang dalawang suspek sa kahabaan ng Faculty St. Brgy. Sta. Ana, Taguig City ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig CPS.
Narekober sa kanila ang 16 na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit kumulang 15.7 gramo na may Standard Drug Price (SDP) na Php106,760, yellow coin purse, at Php300 na buy-bust money.
Ayon pa kay PBGen Macaraeg, sa Taguig City pa rin, naaresto ang tatlong suspek sa Ipil-Ipil Street Barangay Lower Bicutan, bandang 11:30 ng gabi ng mga operatiba ng DDEU-SPD, DID at SPD-DMFB.
Kinilala ang mga suspek na sina Allan Jacinto Paglicawan ayas “Allan”, 44, (SLI-Pusher/User); Ryan Rivera Dela Fuente, 37, (SLI-User); at Alejandro Patricio Reyes, 37, (SLI-User).
Nasamsam sa tatlo ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman rin ng hinihinalang shabu na humigit kumulang 20 gramo ang bigat at tinatayang Php136,000 ang halaga at Php500 na buy-bust money.
Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya ay lalong paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos