Saturday, May 24, 2025

Php240K halaga ng marijuana, nasabat ng Caloocan PNP; 2 HVI timbog

Caloocan City – Tinatayang Php240,000 halaga ng marijuana ang nasabat sa dalawang High Value Individual (HVI) ng mga tauhan ng Caloocan City Police Station nito lamang Miyerkules, Marso 29, 2023

Kinilala ni Northern Police District Director, Police Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr, ang mga suspek na sina Frederick De Guzman y Ungsod (HVI), 45; at John Kevin Periano y Sagullo (HVI), 28, pawang mga residente ng Bagong Barrio, Caloocan City.

Ayon kay PBGen Peñones Jr, nakatanggap diumano ang istasyon ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen tungkol sa patuloy na pangangalakal ng ilegal na droga ng dalawang indibidwal sa kahabaan ng Intan St, Brgy. 153 ng Caloocan na agad nirespondehan ng pulisya bandang 1:42 ng madaling araw.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang medium at isang large na paper bag na kulay kayumanggi na naglalaman ng anim na iba’t ibang laki ng bloke ng transparent na plastik na ziplock na naglalaman ng mga tuyong dahon na pinaniniwalaang marijuana na tumitimbang ng humigit kumulang 4 kilos at tinatayang nagkakahalaga ng Php240,000.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy ang Caloocan PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at pagpapaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga upang makamit ang katahimikan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.

Source: NPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,580SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles