Lubuagan, Kalinga – Tinatayang Php24,727,000 halaga ng marijuana ang nasabat ng PDEA at Kalinga PNP sa isang checkpoint sa Sitio Dinakan, Dangoy, Lubuagan, Kalinga nito lamang Oktubre 28, 2022.
Ayon kay Police Colomel Charles Domallig, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, nasabat ng pinagsanib na pwersa ng 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, Lubuagan Municipal Police Station, Privincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Division Cordillera, Regional Drug Enforcement Unit, Regional Special Operations Group, Tinglayan Municipal Police Station, Kalinga Provincial Explosives Ordnance Disposal and Canine Unit, Kalinga Philippine Drug Enforcement Agency at Regional Mobile Force Battalion 15.
Ayon pa kay PCol Domallig, matapos makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba na isang silver/gray Toyota Hi-Ace Model 1995 na may plakang RDM 343 na mula sa Tinglayan, Kalinga ang dadaan ng Tabuk City na may dala umanong mga marijuana ay agad nagkasa ng isang checkpoint ang Kalinga PNP.
Nakumpiska sa tatlong suspek ang 204 marijuana bricks na may kabuuhang bigat na 204,000 gramo na may Standard Drug Price na Php24,480,000, gayundin ang dalawang tubulars na may bigat na 2,000 grams at may halaga na Php 240,000 at dalawang small bottles na naglalaman ng pinaghihinalaang marijuna oil na may kabuuang Php 24,727,000 halaga ng marijuana ang nasabat.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong Violation of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Kalinga PNP ay patuloy sa kampanya kontra ilegal na droga para sa kaayusan at kapayapaan sa buong probinsya.
Source: Kalinga Police Provincial Office